Information from the Consulate General
アメリカ総領事館
US Consulate General
中国総領事館
中国总领事馆
韓国総領事館
한국 총영사관
ロシア総領事館
Генеральное консульство России
Information from HIECC
Information from HIECC
Ang antas ng alerto sa pagputok ng Bulkan Meakan ay itinaas sa Level 2!
2025.09.15
[September 16, 2025] Simula 6:25 PM
Itinaas ng Sapporo Regional Headquarters ng JMA ang alerto ng pagputok ng Bulkan Meakan sa Level 2 (restrictions sa paligid ng bukana o crater) noong ika 15 ng Setyembre, 2025 sa ganap na 3:20 ng hapon Maaaring magkaroon ng pagputok ng bulkan na maaaring makaapekto sa isang lugar na humigit-kumulang 500 metro mula sa bukana ng Ponmachineshiri, kaya mangyaring huwag pumasok sa lugar na mapanganib.
Mga maaaring maging epekto sa paligid ng bukana ng bulkan(Maaaring makadulot ng peligro sa buhay kung pumasok sa paligid nito)Malalaman kung puputok ang bulkan kaya ang mga sumusunod na 3 course na may daan para sa pag akyat sa bulkan ay isasara.
Mga lugar na isasara:
- Lake Akan Course (Gawi ng Kushiro City) …6 na istasyon pataas
- Meakan Onsen Course (Gawi ng Ashoro Town) …7 na istasyon pataas
- Onnetto Course (Gawi ng Ashoro Town) …7 na istasyon pataas
*Kapag pumutok ang bulkan, may mga maliliit na batong babagsak ayon sa ihip ng hangin, kaya tayo ay mag ingat nang mabuti.
Mga Babala at Paalaala:
- Magdala ng radyo o cellphone at kumalap ng pinakabagong impormasyon.
- Magsumite ng kasulatan ng plano sa pag akyat ng bundok sa pinakamalapit na istasyon ng pulis o sa kaya ay sa HP ng Hokkaido Police Headquarter.
- Isulat ang pangalan sa listahan ng mga pangalan sa oras ng pagpasok at paglabas ng bundok.
- Magdala o magsuot ng helmet upang maging protekdado sa mga babagsak na bato kapag pumutok ang bulkan.
- Kapag nakaramdam ng kakaiba, iseguro o protektahan ang sarili at agad na bumaba ng bundok.
Mangyaring maging maagap at alamin ang update na impormasyon mula sa mga lokal na munisipalidad at sa JMA. Para sa pinakabagong impormasyon, pakitingnan ang Hokkaido Disaster Prevention Portal.
https://www.bousai-hokkaido.jp/
Para malaman ang lebel ng alerto ng pagputok ng bulkan, mangyaring bisitahin ang hp ng JMA
https://www.jma.go.jp/jma/kokusai/multi.html