Mga Anunsyo

  • HOME
  • Mga Anunsyo
  • Tumanggap ka na ba ng abiso ukol sa eksemsyon sa pagbabayad ng Special COVID 19 Loan?
Tumanggap ka na ba ng abiso ukol sa eksemsyon sa pagbabayad ng Special COVID 19 Loan?
2024.07.25
Mga Anunsyo

 

Ang Hokkaido Social Welfare Council ay nagpadala ng liham sa mga nakakuha ng Temporary Emergency Fund loan noong Hunyo 2024 na naglalaman ng impormasyon ukol sa eksemsyon sa pagbabayad nito.

Ang mga exempted sa pagbabayad ng tax sa taong 2024 base sa porsyento ng kanilang kita ay maaaring mag aplay nito, subalit nararapat na magpakita ng katibayan na sila ay exempted sa pagbabayad ng tax, makakahingi nito sa munisipalidad na tinitirahan.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa eksemsyon sa pagbabayad ng COVID Special Loan o mangyaring basahin ang dokumentong nilikha namin o kaya ay ng Ministry of Health, Labour ang Welfare na nasa maraming wika.