Hanggang ngayon, kung papasok o tatapusin ang kontrata ng trabaho ng isang Dayuhan, ang nag-empleyo(employer) ay kailangang ipagbigay alam sa Hello Work ang pangalan at taglay na Bisa ng isang Dayuhan. Gayon pa man, mula March 1, kailangan na rin ng employer na ipagbigay alam sa Hello Work pati na ang numero ng Residence card ng empleyadong Dayuhan. Dahil dito, kailangan isa-isip na maaaring itago ng inyong employer ang numero ng inyong Residence Status card para sa talaan, o kaya hihingan kayo na magbigay ng ganitong impormasyon.
Kung mayroon po kayong mga katanungan ukol sa mga bagay na ito, maari po kayong dumirekta sa opisina ng Hello Work na may sakop o kapangyarihan ukol sa inyong employer. Kung nangangailangan po kayo ng tulong para sa Taga-salin, huwag pong mag-atubiling tumawag sa amin.