Ang Year-end adjustments ay ang tawag sa pagkalkula ng tax para kabuuan ng kita o sweldo sa loob ng 1 taon at upang matukoy ang kakulangan o sobrang ibinayad na tax na maaaring ma refund. Para sa mga empleyado na ang kompanyang pinagtatrabahuhan ang nag proseso ng year-end adjustments ay hindi na kailangang mag proseso ng Final tax return kaya napaka halaga ang pag proseso ng Year-end adjustments.
Kami po ay lumikha ng leaflet na nasa maraming wika ukol sa Year-end adjustments na ang nilalaman ay base sa impormasyon mula sa National Tax Agency, atin pong suriin ito para sa karagdagang impormasyon.