• tel.011-200-9595
  • E-mail.support@hiecc.or.jp
  • Oras ng Operasyon9:00~12:00 / 13:00~17:00
  • Sarado kami tuwing Sabado, Linggo, at mga Holiday.

Mga Anunsyo

  • HOME
  • Mga Anunsyo
  • Para sa mga may dependents o pamilya na pinapadalhan ng suportang pinansyal na nasa ibang bansa
Para sa mga may dependents o pamilya na pinapadalhan ng suportang pinansyal na nasa ibang bansa
2023.11.30
Mga Anunsyo

 

Simula sa ika-1 ng Enero 2023, magkakaroon ng pagbabago sa mga kailangang dokumento upang magkaroon ng dependent deduction. Kaya para sa mga mag pa file ng year-end adjustment o tax return, mangyaring suriin muli ang mga kakailanganing dokumento.

Ang mga kailangang dokumento ang magkakaiba ayon sa edad ng dependent. Ang detalye ay nasa ibaba.
16 anyos ~ 29 anyos, lagpas ng 70 anyos: “Dokumentong magpapatunay na kapamilya” at “Dokumentong magpapatunay na nagpapadala ng suportang pinansyal”
30 anyos ~ 69 anyos:
(1) Taong nawalan ng address o tinitirahan sa loob ng Japan dahil sa pag-aaral sa ibang bansa: “Dokumentong magpapatunay na kapamilya” o kaya ay “Dokumentong nakasaad ang visa bilang student visa”, “Dokumentong magpapatunay na nagpapadala ng suportang pinansyal”
(2) May Kapansanan: “Dokumentong magpapatunay na kapamilya” at “Dokumentong magpapatunay na nagpapadala ng suportang pinansyal”
(3) Tumatanggap mula sayo ng mahigit 380,000 yen sa loob ng 1 taon upang magamit sa kanilang pamumuhay o pag aaral: “Dokumentong magpapatunay na kapamilya” at “Dokumentong magpapatunay na nagpapadala ng halagang 380,000 yen”
*Kung ang mga uri ng dependents na wala sa (1)~(3) ay hindi sakop ng dependent deduction

Para sa karagdagang detalye, mangyaring alamin sa impormasyong inilathala ng National Tax Agency na na nasa maraming wika.
https://www.nta.go.jp/publication/pamph/gensen/gaikokugo/02.htm
Mga Wika: Nihongo, Ingles, Tsina, Biyetnam, Tagalog, Espanyol, Portuguese