Mga Anunsyo

  • HOME
  • Mga Anunsyo
  • Kami po ay Magtutungo sa Hakodate sa ika-15 ng Hunyo (Sabado)!
Kami po ay Magtutungo sa Hakodate sa ika-15 ng Hunyo (Sabado)!
2024.06.15
Pagtitipon
 

 

Sa darating na ika-15 ng Hunyo, ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay magsasagawa nang libreng seminar at Libreng Sesyon ng Konsultasyon (Propesyonal na Konsultasyon) para sa mga dayuhang residente na naninirahan sa Hakodate. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang detalye na nasa ibaba.

◇Libreng Konsultasyon sa Hakodate◇

Petsa: Ika-15 ng Hunyo 2024 (Sabado) 11:30 ng tanghali – 4:00 ng hapon
Lugar: Hokkaido International Foundation (HIF) 4th Flr. Conference Room
https://maps.app.goo.gl/CTzcyrK9Pz1j15vy7

Mga Propesyonal na maaaring konsultahin: Cerified Scrivener, Opisyal ng Ahensya ng Imigrasyon sa Sapporo
Wika: Nihonggo, Ingles, Biyetnam (iba pang wikang gagamitan ng niterpretasyon sa telepono)
Bayad: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/VkqtM8AQNWXeWVxk7
*Bagamat kailangan ang reserbasyon, maaari ring mag konsulta nang walk-in.

Mga paksang maaaring ikonsulta:
1) Tauhan ng Support Center:
mga katanungan ukol sa segurong pangkalusugan o health insurance, pensyon, lisensya ng pagmamaneho, mga problema sa trabaho at marami pang iba.
2) Certified Scrivener: mga katanungan tungkol sa bisa o residence status, pag aplay ng Nasyonalidad ng Hapon o Naturalization, mga kontrata, mga huling habilin, pagpaparehistro ng sasakyan, iba’t- ibang paggamit ng lupa, atbp.
3) Mga Opisyales ng Imigrasyon: para sa mga katanungan tungkol sa bisa o residence status, permiso ng muling pagpasok o re-entry permits, permanent residence, atbp.

Amin pong inaasahan ang inyong paglahok.