Mga Anunsyo

  • HOME
  • Mga Anunsyo
  • Kami po ay Magtutungo sa Wakkanai sa ika-27 ng Hulyo (Sabado)!
Kami po ay Magtutungo sa Wakkanai sa ika-27 ng Hulyo (Sabado)!
2024.07.27
Pagtitipon

 

Sa darating na ika-27 ng Hulyo, ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay magsasagawa nang libreng seminar at Libreng Sesyon ng Konsultasyon (Propesyonal na Konsultasyon) para sa mga dayuhang residente na naninirahan sa Wakkanai. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang detalye na nasa ibaba.

◇Libreng Konsultasyon sa Wakkanai◇

Petsa at oras: Ika-27 ng Hulyo 2024 (Sabado) 12:00 ng tanghali – 4:00 ng hapon
Place: Wakkanai General Culture Center
https://maps.app.goo.gl/9BE75upbME74f1Re8

Mga Propesyonal na Maaaring Konsultahin: Certified Scrivener, mga opisyales ng Sapporo Regional Immigration Bureau
Mga Wikang Magagamit: Nihonggo, Ingles, Biyetnam (Ibang wika sa pamamagitan ng interpretasyon sa telepono)
Bayad: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/WtBCiXgxM4QGTJUz6
*Bagamat kailangan ang reserbasyon, maaari ring mag konsulta nang walk-in.

Mga Usaping Maaaring Ikonsulta:
1) Tauhan ng Support Center: health insurance, pensyon, lisensya sa pagmamaneho, mga problema sa trabaho at marami pang iba.
2) Mga Opisyales ng Imigrasyon:para sa mga katanungan tungkol sa bisa o residence status, permiso ng muling pagpasok o re-entry permits, permanenteng paninirahan o permanent residency, atbp.
3) Certified Scrivener: mga katanungan tungkol sa bisa o residence status, naturalisasyon o pagkuha ng Japanese citizenship, kontrata, huling habilin, pagpaparehistro ng sasakyan, iba’t- ibang paggamit ng lupain, atbp.

Amin pong inaasahan ang inyong partisipasyon.