Sa darating na ika-5 ng Disyembre, ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay magsasagawa ng Libreng Konsultasyon (Propesyonal na Konsultasyon) sa Muroran. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang detalye na nasa ibaba.
◇Libreng Konsultasyon sa Muroran◇
Petsa at oras:Ika-7 ng Disyembre 2024 (Sabado) 11:00 umaga – 3:30 ng hapon
Place: Small Meeting Room, Muroran City Small and Medium Enterprise Center
https://maps.app.goo.gl/hNLzKYEqRv8ZKQfj9
Mga Propesyonal na Maaaring Konsultahin: Certified Scrivener, mga opisyales ng Sapporo Regional Immigration Bureau
Mga Wikang Magagamit:Nihonggo, Ingles, Biyetnam (Ibang wika sa pamamagitan ng interpretasyon sa telepono)
Bayad: Libre
Reserbasyon:https://forms.gle/hLTAFNrQYiztywE28
*Para sa mga may nais kumunsulta sa opisyal ng Imigrasyon, mangyaring magpareserba hanggang Disyembre 4 (Miyerkules)
Mga Usaping Maaaring Ikonsulta:
1) Tauhan ng Support Center: health insurance, pensyon, lisensya sa pagmamaneho, mga problema sa trabaho at marami pang iba.
2) Mga Opisyales ng Imigrasyon:para sa mga katanungan tungkol sa bisa o residence status, permiso ng muling pagpasok o re-entry permits, permanenteng paninirahan o permanent residency, atbp.
3) Certified Scrivener: mga katanungan tungkol sa bisa o residence status, naturalisasyon o pagkuha ng Japanese citizenship, kontrata, huling habilin, pagpaparehistro ng sasakyan, iba’t- ibang paggamit ng lupain, atbp.
Amin pong inaasahan ang inyong partisipasyon.