Mga Anunsyo

  • HOME
  • Mga Anunsyo
  • Konsultasyon sa Araw ng Linggo + Konsultasyon para sa mga Proseso sa Imigrasyon sa Hulyo 21!
Konsultasyon sa Araw ng Linggo + Konsultasyon para sa mga Proseso sa Imigrasyon sa Hulyo 21!
2024.07.21
Pagtitipon

 

Ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay magsasagawa ng Konsultasyon sa Araw ng Linggo at Gayundin sa Mga Proseso sa Imigrasyon para sa mga banyagang residente sa Hulyo 21 (Linggo). Ang detalye ay nakasaad sa ibaba.

Konsultasyon sa Araw ng Linggo + Konsultasyon para sa mga Proseso sa Imigrasyon
Petsa at Oras: Hulyo 21 (Linggo) 9:00 umaga - 12:00 tanghali, 1:00 hapon - 5:00 hapon
Lugar: Hokkaido Foreign Resident Support Center

Paraan: Maari kayong magkonsulta sa amin ng personal, o kaya sa pamamagitan ng telepono, pagtawag sa online
Presyo: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/HtmjyjUNJd5SBhMo9
*Bagamat aming inirerekomenda ang pagpareserba, maaari ring pumunta kahit walang reserbasyon.

Maaari kayong komunsulta sa mga tauhan ng center at mga opisyales ng Imigrasyon tungkol sa mga sumusunod na mga paksa.
1) Tauhan ng Center: Health Insurance, pensyon, lisensya sa pagmamaneho, mga problema sa trabaho, at marami pang iba.
2) Mga Opisyales ng Imigrasyon: Residence status, Re-entry permit, Permanent residence, atbp.

Umaasa po sa inyong pagkontak sa amin.