Sa Ika-8 ng Marso (Sabado) ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay magsasagawa ng libreng seminar at sesyon ng libreng konsultasyon (Konsultasyong Propesyonal) para sa nga banyagang naninirahan sa Kutchan. Mangyaring paki tingnan ang nasa ibaba para sa mas maraming impormasyon.
◇Seminar para sa mga banyagang residente◇
Paksa:Pagkatapos ng Tag-lamig—kinakailangang pamamaraan kapag paalis/magpapalit ng mga trabaho
Petsa at oras:Marso 8, 2025 (Sabado) 12:00 ng tanghali - 13:00 p.m.
Place: Kutchan Town Community Center, Medium Hall (2-2 Minami 3-jo Higashi 4-chome, Kutchan)
https://maps.app.goo.gl/Dk17duYxLvnzzuLD8
Tagapagsalita: Sapporo Regional Immigration Services Bureau, Hokkaido Labour Bureau, Hokkaido Foreign Resident Support Center
Mga Wikang Magagamit: Hapon, Ingles (Aktwal na interpretasyon)
Bayad: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/Z5XHQ2WPB4wuokoJA
Nilalaman:
Kapag ang tag-lamig ay natapos, maraming mga dayuhan na manggagawa ay maaaring lumisan o magpalit ng trabaho. Sakop sa seminar na ito ang kung paano komunsulta sa labour bureau, immigration procedures, at iba pang mga kinakailangang pamamaraan(buwis, pensyon, atbp.)
◇Libreng Konsultasyon sa Kutcha◇
Petsa at oras:Marso 8, 2025 (Sabado) 13:00 p.m.- 17:00 p.m.
Place: Kutchan Town Community Center, Medium Hall (2-2 Minami 3-jo Higashi 4-chome, Kutchan)
https://maps.app.goo.gl/Dk17duYxLvnzzuLD8
Mga Propesyonal na Maaaring Konsultahin: Certified Scrivener, mga opisyales ng Sapporo Regional Immigration Bureau, Hokkaido Labour Bureau
Mga Wikang Magagamit: Nihonggo, Ingles, Tsina (Ibang wika sa pamamagitan ng interpretasyon sa telepono)
Bayad: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/Z5XHQ2WPB4wuokoJA
Mga Usaping Maaaring Ikonsulta:
1) Tauhan ng Support Center: health insurance, pensyon, lisensya sa pagmamaneho, mga problema sa trabaho at marami pang iba.
2) Mga Opisyales ng Imigrasyon:para sa mga katanungan tungkol sa bisa o residence status, permiso ng muling pagpasok o re-entry permits, permanenteng paninirahan o permanent residency, atbp.
3) Certified Scrivener: mga katanungan tungkol sa bisa o residence status, naturalisasyon o pagkuha ng Japanese citizenship, kontrata, huling habilin, pagpaparehistro ng sasakyan, iba’t- ibang paggamit ng lupain, atbp.
4) Hokkaido Labour Bureau: para sa mga katanungan tungkol sa mga problema sa trabaho, atbp.
Amin pong inaasahan ang inyong partisipasyon.