Mga Anunsyo

  • HOME
  • Mga Anunsyo
  • Kami po ay Magtutungo sa Higashikawa sa ika-18 ng Oktubre (Biyernes)!
Kami po ay Magtutungo sa Higashikawa sa ika-18 ng Oktubre (Biyernes)!
2024.10.18
Pagtitipon

 

Sa darating na ika-18 ng Oktubre, ang Hokkaido Foreign Resident Support Center ay magsasagawa nang Libreng Sesyon ng Konsultasyon (Propesyonal na Konsultasyon) para sa mga dayuhang residente na naninirahan sa Higashikawa. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang detalye na nasa ibaba.

◇Libreng Konsultasyon sa Higashikawa◇

Petsa at oras:Ika-18 ng Oktubre (Biyernes) 1:00 tanghali – 4:30 ng hapon
Place: Higashikawa Town Community Center “Centpure I” Multicultural Lounge
https://maps.app.goo.gl/MQra6UxjHLHSVK1t8

Mga Propesyonal na Maaaring Konsultahin: Certified Scrivener, mga opisyales ng Sapporo Regional Immigration Bureau
Mga Wikang Magagamit: Nihonggo, Ingles, Biyetnam (Ibang wika sa pamamagitan ng interpretasyon sa telepono)
Bayad: Libre
Reserbasyon: https://forms.gle/gFabFYVKeaQ7vN4d7
*Bagamat aming inirerekomenda ang pagpareserba, maaari ring pumunta kahit walang reserbasyon.

Mga Usaping Maaaring Ikonsulta:
1) Tauhan ng Support Center: health insurance, pensyon, lisensya sa pagmamaneho, mga problema sa trabaho at marami pang iba.
2) Mga Opisyales ng Imigrasyon:para sa mga katanungan tungkol sa bisa o residence status, permiso ng muling pagpasok o re-entry permits, permanenteng paninirahan o permanent residency, atbp.
3) Certified Scrivener: mga katanungan tungkol sa bisa o residence status, naturalisasyon o pagkuha ng Japanese citizenship, kontrata, huling habilin, pagpaparehistro ng sasakyan, iba’t- ibang paggamit ng lupain, atbp.

Amin pong inaasahan ang inyong partisipasyon.