Noong ika-4 ng Oktubre, 2022, may J-ALERT na nagmula sa gobyerno ng Japan ukol sa pagpapalipad at pagdaan ng missile sa himpapawid ng Hokkaido mula sa Hilagang Korea. Bilang, patakaran, ang J-ALERT ay ipinapadala lamang sa mga mamamayang Hapon, kaya’t nangangahulugan na matatagalan ang mga banyagang residente ng Japan na maintindihan nang wasto ang nilalaman nito.
Upang madaling maintindihan ang nilalaman ng J-ALERT sa darating na panahon, aming nirerekomenda na mangyaring I download ang “Safety Tips” app na may maraming wika na nilikha ng Ahensya ng Turismo ng Japan para sa kapakanan ng mga banyagang nasa bansa. Ang detalye para sa app ay nasa ibaba.
■(Push) Pindutin para sa mga pang Alertong impormasyon na iaabiso
・Maagang Babala ng Lindol
・Babala ng Tsunami
・Babala ng Panahon (Weather)
・Babala ng Pagputok ng Bulkan
・Impormasyon ukol sa maaaring magkaroon ng Heat stroke dahilan sa sobrang init ng panahon
・Babala para sa kaligtasan ng mga mamamayan tulad ng Babala ng pagpapalipad ng missile
・Impormasyon ukol sa paglikas at iba pa.
■Mga magagamit na Wika
Ingles, Tsina (Simple/Tradisyunal), Koreyano, Hapon, Kastila, Portuguese,
Vietnamese, Thai, Indonesian, Tagalog, Nepali, Khmer, Burmese, Mongolian
■Download
Android:
https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.co.rcsc.safetyTips.android
iPhone:
https://itunes.apple.com/jp/app/safety-tips/id858357174?mt=8
■Impormasyon ukol saHomepage ng Safety Tips
https://www.jnto.go.jp/safety-tips/eng/app.html
*Ingles, Tsina (Simple/Tradisyunal) at Koreyano lamang.