Nagbukas ng isang lugar ang Sentro ng Konsultasyon at Suporta para sa mga Dayuhan na nakatira sa lalawigan ng Hokkaido noong ika-29 ng Agosto, 2019 sa ganap na ika-3 ng hapon. Naging isang karangalan po namin na makapiling ang kagalang-galang na Gobernador ng Hokkaido, na si Gobernador Suzuki at ang Direktor Heneral ng Imigrasyon ng bansang Hapon na si Direktor Sasaki upang magputol ng laso at nagbigay ng napakaganda at nakakataba ng pusong mensahe.
Huwag po kayong mag atubili na tumawag sa pamamagitan ng telepono, e-mail, facebook o messenger at magtanong sa kinauukulan. Handa po kaming tumulong sa abot ng aming kakayahan.