Gabay sa Pamumuhay

  • HOME
  • Gabay sa Pamumuhay
  • Transportasyon・Lisensya
Transportasyon・Lisensya

Kung may nais kayong malaman ukol sa pangunahing patakaran ng trapiko・ang mga sistema nito atbp, mangyaring alamin sa Chapter 9 ng Suportang Portal para sa Pang araw-araw na Pamumuhay ng mga Banyagang nasyonal na pinapalakad ng Ahensya ng Serbisyong Imigrasyon.
https://www.moj.go.jp/isa/support/portal/traffic.html
Mga 15 Wika:Nihongo, Ingles, Tsina, Koreyano, Tagalog, Biyetnam, Thai, Indonesian, Burmes, Nepali at Ukrainian.

Driver’s License  ■International Driver’s License na maaaring magamit sa Japan(Metropolitan Police Department)
  Maaaring magamit ang pang internasyonal na lisensya na may tatak o inisyu ng bansang kabilang sa Geneva Convention. Ang international driver’s license na inisyu ng ibang kombensyon ay hindi maaaring gamitin tulad ng inisyu ng Vienna Convention.

  Palugit ng Bisa:Sa loob ng1taon pagkakuha ng International driver’s license at 1 taon simula sa petsa ng pagdating sa Japan.
  https://www.keishicho.metro.tokyo.lg.jp/menkyo/menkyo/kokugai/kokusaimenkyo.html
  Mga 10 Wika:Ingles, Tsina, Koreyano, Tagalog,Thai at Kastila

 ■Pagpapalit ng foreign driver’s license sa japanese driver’s license (Hokkaido Police Office)
  Kung ang inyong lisensya ay hindi inisyu ng bansang kabilang sa ng Geneva Convention, ngunit inisyu sa ibang bansa at nais mong magmaneho dito sa Japan, nararapat na palitan ng Japan driver’s license ang iyong lisensya. At gayundin, kung ang iyong lisensya ay inisyu ng bansang kabilang sa Geneva Convention at nais na magmaneho sa Japan na lalagpas sa 1 taon mula sa petsa ng pagdating sa Japan, nararapat na palitan ito ng Japanese driver’s license.

  ~Saan maaaring mag aplay~
   Maaari lamang magpapalit ng lisensya upang maging Japanese driver’s license sa Driver’s License Examination Center na sakop ng jurisdiction ng iyong tinitirahan.
   May 6 na Driver’s License Examination Center sa Hokkaido: Sapporo, Asahikawa, Kushiro, Obihiro at Kitami. Ang proseso ng aplikasyon ay may pagkakaiba.

  ~Mga Kailangang Dokumento~
   Bukod sa Driver’s licens, ang mga kailangang ipasang dokumento ay maiiba depende sa nag isyung bansa.
   Mangyaring alamin muna sa Driver’s License Examination Center na sakop ng jurisdiction ng iyong tinitirahan.

   1. Application Form, Questionnaire(makukuha sa bawat Driver’s License Examination Center)
   2. Valid Foreign Driver’s License
   3. Litrato(H3.0cm×W2.4cm, kinuha sa loob ng 6 na buwan)1piraso
   4. Residence Certficate na kung saan nakasulat ang nasyonalidad
   5. Translasyon sa Nihongo ng Foreign Driver’s License
   6. Dokumentong magpapatunay na nanatili nang mahigit 3 buwan sa bansang nag isyu
   7. Japanese Driver’s License na angkop na nakuha sa nakaraan
   8. Bayad sa eksamen o sa pag isyu ng driver’s license(base sa uri ng eksamen at lisensya)
   https://www.police.pref.hokkaido.lg.jp/guide/menkyo/gai_menkyo-kirikae.html
   Wika:Nihongo

 ■Mga Madalas na Katanungan:Pagpapalit ng Foreign Driver’s License sa Japanese License(Hokkaido Foreign Resident Support Center)
  Isang Leaflet na naglalaman ng mga pangunahing impormasyon ukol sa pagpapalit ng Foreign Driver’s license na nasa maraming wika.
  https://www.hiecc.or.jp/soudan/info/detail.html?pid=3432228223747
  Mga Wika:Hapon, Ingles, Kastila, Tsina(Pinasimple at Tradisyunal), Koreyano, Tagalog, Biyetnam, Thai

 ■International Driver’s License(Kung may Japanese Driver’s License at nais na magmaneho sa ibang bansa)
  Ang mga may Japanese Driver’s License at nais na magmaneho sa ibang bansa ay nararapat na mag aplay ng International Driver’s License. Para sa detalyadong impormasyon at paraan ng aplikasyon, mangyaring alamin sa homepage ng Hokkaido Police Office.
  https://www.police.pref.hokkaido.lg.jp/guide/menkyo/menkyo5.html
  Wika:Nihongo

Mga Alituntunin at Wastong Kaugalian sa Trapiko  ■Site ng Hokkaido Police Office na nasa Banyagang Wika
  Maaaring malaman sa pamamagitan ng mga banyagang wika ang mga impormasyon ukol sa mga alituntunin at wastong kaugalian sa trapiko.
  http://www.police.pref.hokkaido.lg.jp/foreign/foreign.html
  Mga Wika:Ingles, Tsina(Pinasimple at Tradisyunal), Koreyano, Ruso

 ■Pagmamaneho sa Hokkaido~Pangunahing Kaalaman para sa kaligtasan ng trapiko~(Gobyerno ng Hokkaido)
  Ang pahinang ito ay para sa mga banyaga upang kanilang malaman at maunawaan ang mga pangunahing Kaalaman para sa kaligtasan ng trapiko, pagmamaneho sa panahon ng taglamig, pagharap sa mga aksidente atbp.
  https://www.pref.hokkaido.lg.jp/ks/dms/kat/fl.html
  Mga Wika:Ingles, Tsina, Koreyano

 ■Handbook para sa Pagmamaneho sa Hokkaido(Hokkaido Regional Development Bureau)
  Isang handbook na naglalaman ng mga impormasyon upang maging ligtas, madali at masaya ang pagmamaneho ng mga banyagang turista sa Hokkaido at gayundin ang mga banyagang residente nito.
  https://www.hkd.mlit.go.jp/ky/ki/renkei/ud49g70000000kp9.html
  Mga Wika:Hapon, Ingles, Tsina(Pinasimple at Tradisyunal), Koreyano, French, German

 ■Pagmamaneho sa Japan「Driving in Japan」(Japan Automobile Federation (JAF))
  Site na nasa maraming wika na kung saan malalaman ang mga impormasyon ukol sa nararapat na driver’s license at mga pangtrapikong alituntunin ng Japan.
  https://english.jaf.or.jp/driving-in-japan
  Mga Wika:Ingles, Tsina(Pinasimple at Tradisyunal), Koreyano, Biyetnam, French, German, Portuguese

 ■Pagmamaneho sa mayelong daan(Hokkaido Foreign Resident Support Center)
  Ang center ay naglikha ng「Gabay sa Pamumuhay sa Taglamig」na kung saan malalaman ang mga impormasyon ukol sa pagmamaneho sa mayelong daan.
  https://www.hiecc.or.jp/soudan/info/detail.html?pid=3475050276827
  Mga Wika:Hapon, Ingles, Tsina(Pinasimple at Tradisyunal), Koreyano, Biyetnam, tagalog, Thai.

Impormasyon ukol sa Trapiko  ■Site Para sa Ligtas na Paglalakbay sa Hokkaido(Hokkaido Transport Bureau)
  Ang「Site para sa Ligtas na Paglalakbay sa Hokkaido」ay naglalaman ng mga impormasyon ukol sa mga maaaring magamit na transportasyon ng mga mamamayan at mga turista sa Hokkaido(Plataporma ng mga imporasyon ukol sa trapiko)
  https://hokkaido-safe-travel.brdg.site/
  Mga Wika]:Hapon, Ingles, Tsina(Pinasimple at Tradisyunal), Koreyano※Awtomatikong Translasyon

 ■Road Information Provision System(Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism)
  Tagapangasiwa ng mga express way, national road at ibang parte nito para sa mga isinasagawang paraan at mga limitasyon sa mga daan sa iba’t ibang preperektura o rehiyon(pagbabago o pagsama ng panahon・sakuna・pagsara ng daan dahilan ng konstraksyon atbp.)Ang aktwal sitwasyon o kondisyon ng daan ay makikita sa isang live camera.
  www.road-info-prvs.mlit.go.jp/roadinfo/
  Wika:Hapon, Ingles

 ■Mapa kung hindi Makita ang daan dahilan ng blizzard(Hokkaido Regional Development Bureau)
  Isang mapa na kung saan malalaman ang mga impormasyon ukol sa mga lugar na madalas magkaroon ng ng pangyayaring hindi makita ang daan dahilan ng blizzard, lugar para sa pagkakabit o pagtanggal ng kadena, at iba pang impormasyon ukol sa mga dapat ingatan sa pagmamaneho sa mayelong daan.
  www.hkd.mlit.go.jp/ky/kn/dou_iji/ud49g70000000qlh.html
  Wika:Hapon, Ingles

Kung sakaling maaksidente  ・Itigil agad ang pagmamaneho, Itabi ang sasakyan sa gilid ng daan o sa isang ligtas na lugar.
 ・I dial ang 119 kung may sugatan at tumawag ng ambulansya.
 ・I dial ang 110at tumawag ng pulis, ipaalam ang pangyayari at lugar ng aksidente.
  (Kakailanganin ito bilang epidensya para sa aplikasyon ng insurance)
  ※Maaaring sagutin sa numerong 110 ang Ingles, Tsina at Koreyano
  https://www.pref.hokkaido.lg.jp/fs/7/2/7/5/5/0/6/_/%E3%80%90%E5%AE%8C%E6%88%90%E7%89%88%E3%80%91%E3%82%A4%E3%83%B3%E3%83%90%E3%82%A6%E3%83%B3%E3%83%89110%E7%95%AA%E3%83%81%E3%83%A9%E3%82%B7.pdf