Gabay sa Pamumuhay

  • HOME
  • Gabay sa Pamumuhay
  • Edukasyon
Edukasyon

【Edukasyon】
 ■Sistema ng Pang-edukasyon
 ・Obligatoryong edukasyon ang anim na taon sa elementarya at 3 taon sa middle school sa Japan. Kung irerehistro ang mga batang dayuhan na may edad mula 6 hanggang 15 sa Komite ng Edukasyon (Board of Education) sa munisipyo, pwede silang makisabay sa mga Hapon na pumasok at makibagay sa eskwelahan.
 ・Nag-uumpisa ang taon ng paaralan sa Abril at nagwawakas sa Marso, pero may mahahabang yugto ng bakasyon, ang bakasyon sa tag-init at bakasyon sa taglamig.
 ・Ang mga klase sa mababa at gitnang paaralan na pinatayo ng publiko ay isinasagawa sa wikang Hapon. Libre ang matrikula, pero buwan-buwan, kailangang magbayad para sa pagkain, materyales sa pag-aaral, atbp.Dagdag pa dito, kung tutuloy mula gitnang paaralan hanggang mataas na paaralan, at mataas na paaralan hanggang unibersidad, kinakailangang pumasa sa iba't ibang mga pagsusulit para makapasok.
 ・Bukod pa sa mga pampublikong paaralan na pinatayo ng mga administratibong dibisyon at ng munisipyo, may mga pribadong paaralan din, at naiiba ang mga proseso ng pagpasok at matrikula sa mga ito.
 ・Para sa mga katanungan sa pagpasok sa paaralan, magtanong sa munisipyo para sa mga pampublikong elementarya at middle school, at sa mismong paaralan para sa mga nasyonal at pribadong elementarya, middle school, at high school.
 ・Sa Sapporo at Nisekocho, may mga internasyonal na paaralan kung saan nagsasagawa ng mga klase sa Ingles para sa mga batang nahihirapan sa wikang Hapon o nahihirapang makapasok sa mga Hapon na paaralan.
 ・Sa Japan, may mga tulong pinansyal at sistema ng scholarship para sa mga nahihirapang makapasok ng paaralan dulot ng katayuan ng pamilya sa ekonomiya, at mayroon ding mga scholarship para sa mga dayuhang mag-aaral.

<Kaugnay na Ahensya>

 ●Tanggapan para sa mga tanong at proseso
  〇Pampublikong Paaralan
  ・Listahan ng Munisipyo(Maraming Wika)
   /soudan/guide/shichoson.xls
  ・Listahan ng Komite ng Edukasyon ng Munisipyo (Municipal Board of Education)(Hapon)
   http://www.dokyoi.pref.hokkaido.lg.jp/hk/ksk/R1.6shityousonkyoui.pdf
  ・Komite ng Edukasyon ng Hokkaido: listahan ng mga paaralan sa Hokkaido(Hapon)
   http://www.dokyoi.pref.hokkaido.lg.jp/hk/ksk/chosa/gakkou-i/gakkou-i.htm
  〇Pribadong Paaralan
  ・Dibisyon ng Paaralan sa Hokkaido(Hapon)
    http://www.pref.hokkaido.lg.jp/sm/gkj/index.htm
  〇Paaralang Pandayuhan
  ・Paaralang Internasyonal ng Hokkaido (Hokkaido International School)(Ingles)
   http://home.his.ac.jp/

 ■Konsultasyon sa Edukasyon
 ・May isinasagawang 24-oras na serbisyo sa pagkonsulta para sa mga tagapangalaga, at mga batang nakakaranas ng bullying, ayaw pumasok ng paaralan, atbp.

<Kaugnay na Ahensya>
 ●Tanggapan para sa mga tanong at proseso
 ・Kawanihan ng Edukasyon ng Hokkaido, Sentro sa Konsultasyon at Pagsuporta para sa mga Bata (Hokkaido Bureau of Education Children Consultation and Support Center)(Hapon)
  http://www.dokyoi.pref.hokkaido.lg.jp/hk/ssa/ijimedenwasoudan.htm
  TEL:0120-3882-56(Libreng Tawag)