Gabay sa Pamumuhay

  • HOME
  • Gabay sa Pamumuhay
  • Panganganak・Pagpapalaki ng anak
Panganganak・Pagpapalaki ng anak

【Panganganak・Pagpapalaki ng anak】
 ■Panganganak
  〇Rehistro ng Pagbubuntis
  ・Kapag nabuntis ang isang tao, mangyaring magsumite ng ulat ng pagbubuntis sa munisipyo, at kumuha ng Tala para sa Anak at Magulang (Parent and Child Health Journal). Ang talang ito ay mahalagang tala para sa magulang at anak, at kinakailangan ito sa tuwing magpapatingin sa doktor.
  〇Rehistro ng Pagkapanganak
  ・Hindi magagamit ang medical insurance sa panganganak, pero maaaring magbayad gamit ang kabuuang probisyon para sa panganganak (lumpsum allowance for childbirth) mula sa health insurance na iyong kinuha.
  ・Kinakailangang magsumite ng rehistro ng pagkapanganak sa iyong munisipyo sa loob ng 14 araw matapos ng panganganak, pati na rin sa iyong bansa.
  ・Kung Hapon ang isa sa mga magulang, pwedeng makuha ng anak ang nasyonalidad na Hapon, ngunit maaaring makuha ng bata ang nasyonalidad ng dayuhang magulang, batay sa batas ng bansang pinanggalingan ng dayuhang magulang. Hindi tinatanggap sa bansang Hapon ang pagkakaroon ng dalawang nasyonalidad (dual citizenship), kaya kinakailangang mamili ng isang nasyonalidad bago lumagpas ang bata sa edad na 22.

 ■Pagpapalaki ng anak
 ・Para sa mga proseso sa aplikasyon na kinakailangan para makapasok sa daycare center, gaya ng eksaminasyon sa kalusugan at pagbabakuna pagkapanganak ng sanggol, magkonsulta sa munisipyo.

<Kaugnay na Ahensya>
 ●Detalye ng sistema at proseso
 ・Kagawaran ng Hustisya Mga Tanong sa Nasyonalidad(Maraming Wika)
  http://www.moj.go.jp/MINJI/minji78.html
 ・Pinagsamang Portal ng mga Site sa Hokkaido Hagukumu (Hokkaido Integrated Portal Site Hagukumu) Kasal/Pagbubuntis/Panganganak/Pagpapalaki ng anak(Hapon)
  http://www.pref.hokkaido.lg.jp/hf/kms/hagukumu.html
 ・Site ng Impormasyon sa Pagpapalaki ng Anak sa Sapporo (Sapporo Child Rearing Information Site)(Hapon)
  http://kosodate.city.sapporo.jp/

●Tanggapan para sa mga tanong at proseso
(Rehistro ng Pagbubuntis,Rehistro ng Pagkapanganak,Pagsali sa plano ng pinansyal na tulong (subsidization scheme) at nursery center)
  ・Listahan ng Munisipyo(Maraming Wika)
   /soudan/guide/shichoson.xls
(Pagkuha ng nasyonalidad)
 ・Listahan ng embahada ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (Ministry of Foreign Affairs)(Ingles/Filipino)
   https://www.mofa.go.jp/about/emb_cons/over/multi.html
 ・Mga konsulado ng iba't ibang bansa sa Hokkaido(Hapon/Ingles/Filipino)
   /soudan/guide/koukan.xls
 ・Kagawaran ng Hustisya ng Sapporo (Sapporo Ministry of Justice) at Kagawaran ng Hustisya ng Rehiyon (Regional Ministry
  of Justice)(Hakodate, Asahikawa, Kushiro)(Hapon)
   http://houmukyoku.moj.go.jp/homu/static/hokkaido.html
   TEL:011-709-2311(Kinatawan)