【Health Insurance・Pagpapagamot・Ospital】
■Health Insurance
・Sa bansang Hapon, kapag nagkasakit o napinsala ang isang tao, may tinatawag na Pambansang Pagsegurong Medikal (National Medical Insurance) na magbabayad para sa pagpapagamot.
・May iba't ibang uri ng pansegurong medikal (medical insurance), gaya ng panseguro sa pangangalaga ng kalusugan (health care insurance) na ibinibigay sa pinagtatrabahuhang kumpanya, at ang pambansang panseguro sa kalusugan (national health insurance) para sa iba pang hindi sakop nito. Nagbabayad ng nakatakda na premium para rito, at kapag ipinakita ang health insurance card sa ospital, babayaran na lang ng may hawak ng card ang 30% pababa ng gagastusin.
・Dagdag dito, kapag lumagpas ang ibinayad sa isang medikal na institusyon sa isang partikular na nakatakdang halaga, maaaring makakuha ng benepisyong tinatawag na Mataas na Gastusin sa Pangangalagang Medikal (High Cost Medical Care).
■Ospital
・Sa Japan, may mga malalaking pangkalahatang ospital na may malalaking equipment, at mga opisinang medikal at klinika na nagsasagawa ng mga pang-araw-araw na panggagamot ng sakit at pinsala.
・Karamihan sa mga ospital ay nagsasagawa ng konsultasyong hindi nakabatay sa reserbasyon, at sa halip ay nakabatay sa kung sino ang maunang makarating, kaya maaaring maghintay ka nang matagal.
■Pang-emergency sa oras ng gabi at pista opisyal
・Kung bigla kang magkasakit sa dis oras ng gabi o sa panahon ng holiday, o hindi kaya ay masugatan nang hindi inaasahan, maaari kang magpagamot o makahanap ng mabilisang solusyon sa mga sentro sa mga emerhensiya sa holiday at sakit sa gabi (emergency holiday and night sickness center), doktor sa first aid, atbp. Tingnan ang mga ito sa magasin ng munisipyo, sa homepage ng munisipyo, atbp.
<Kaugnay na Ahensya>
●Tanggapan para sa mga tanong at proseso
(Pagkuha ng Pambansang Pagsegurong Medikal (National Health Insurance),Impormasyon sa Ospital,Pang-emergency sa oras ng gabi at pista opisyal)
・Listahan ng Munisipyo(Maraming Wika)
/soudan/XXXX
(Impormasyon sa Ospital、Gabay sa Paggamit ng Serbisyo sa Ospital)
・Pambansang Organisasyon ng Turista sa Japan (Japan National Tourist Organization)(Maraming Wika)
https://www.jnto.go.jp/emergency/jpn/mi_guide.html
(Pang-emergency sa oras ng gabi at pista opisyal)
・Hokkaido Emergency Health・Wide Area Disaster Information System(Hapon)
http://www.qq.pref.hokkaido.jp/qq/qq01.asp
TEL:0120-206-8699(Emergency Health Information Guidance Center)
・Hokkaido Medical Association(Hapon)
http://www.hokkaido.med.or.jp/hokkaido/ambulance.html
■Medikal na pagsalin
・Kaunti lang ang mga medikal na institusyon na nagbibigay ng serbisyo sa banyagang wika, kaya kung maaari, magpakonsulta nang may kasamang marunong magsalita ng wikang Hapon, o gumamit ng medikal na talatanungan para sa maraming wika (multi-language medical questionaire).
・Depende sa rehiyon, maaari mong gamitin ang mga serbisyo ng mga internasyonal na organisasyon sa interpretasyon. Sa panahon ng emerhensiya magkonsulta sa konsulado ng iyong bansa.
<Kaugnay na Ahensya>
●Detalye ng sistema at proseso
(Medikal na Talatanungan para sa Maraming Wika (Multi-language Medical Questionaire)
・(Pribado) Pundasyon ng Internasyonal na Ugnayan ng Kanagawa (Kanagawa International Exchange Foundation)(Maraming Wika)
http://www.kifjp.org/medical/
●Tanggapan para sa mga tanong at proseso
(Medikal na pagsalin sa telepono sa maraming wika)
・Korporasyong NPO AMDA Internasyonal na Sentro ng Medisina (NPO Corporation AMDA International Medical Center)(Maraming Wika)
https://www.amdamedicalcenter.com/amdainterpreter
(Medikal na pagsalin)
・(Kumpanya) Pambansang Asosasyon ng mga Medikal na Tagapagsalin (National Medical Interpreter Association)
https://national-association-mi.jimdo.com/医療通訳派遣団体リスト/